Ad Code

Tapos na ang Museleo ni Mahal na nagkakahalaga ng 4.1Million

Taos-pusong nagpapasalamat ang pamilya Tesorero sa lahat ng mga tagahanga at sumusuporta kay Mahal, Noeme Tesorero sa tunay na buhay, dahil natapos na ang pagtatayo ng musoleo sa Himlayang Pilipino Memorial Park para sa comedienne na pumanaw noong August 31, 2021.

Ang U.S.-based sister ni Mahal na si Irene Tesorero ang nagbigay sa Cabinet Files ng impormasyong inabot ng P4.1 million P2.8 million ang halaga ng lupa at P1.3 million ang pagpapagawa ng musoleo ang nagastos sa pagpapatayo ng musoleo.

Magsisilbi rin itong museo ng mga personal na gamit ng comedienne na binawian ng buhay, sa edad na 46, .
Mensahe ni Irene, “Thank you so much sa mga supporter, avid fanatics ni Ate Mahal. Sa mga walang sawa ninyong panonood sa kanyang YouTube channel. From the bottom of my heart, I salute you all.”

Mula kasi sa mga kinikita ng YouTube channel ni Mahal ang pinagkunan nila ng pera para maipatayo ang musoleo.

Hindi mahirap hanapin ang museleo ni Mahal sa Himlayang Pilipino Memorial Park dahil sa nakalagay na malalaking letra ng pangalan ni Mahal.


Nilinaw ni Irene na walang kinalaman at walang kontribusyon si Mygz Molino at ang manager ni Mahal na si Jethro Carey sa pagpapagawa ng musoleo ng komedyante, na patuloy na kumikita ng pera ang YouTube channel kahit nasa kabilang buhay na.
’Wag n’yo pong ipilit about Mygz. Wala po siyang itinulong diyan, kahit si Jethro. Uulitin ko, wala pong tulong silang dalawa. Ito po ay galing sa fans,” paglilinaw at apela ni Irene.

Nakatakdang ilipat sa musoleo ang cremated remains ni Mahal at ng kanyang ama na si Romy Tesorero sa ikalawang linggo ng June 2022 kaya uuwi ng Pilipinas si Irene.


Dinamdam ito nang husto ni Mahal dahil hindi siya nakauwi para makita ang kanyang ama sa huling pagkakataon, pero ngayon ay magkakasama na sila sa iisang puntod.

Ayon kay Irene, tuloy ang plano ng kanilang pamilya na gawing museo ang musoleo ni Mahal na bubuksan nila sa publiko kapag nailipat na ang mga labi ng kanilang ama at kapatid.

Ilalagay nila sa museo ang mga personal at paboritong gamit ni Mahal para manatiling buhay ang mga alaala nito at bilang pasasalamat nila sa mga tagahanga na walang sawang sumusuporta, kahit namayapa na ang komedyante.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento