Sumuko ang driver ng SUV na sangkot sa h1t-and-run inc1dent sa Mandaluyong City sa Philippine National Police (PNP).
Sa isang press conference, humingi ng paumanhin ang suspek na si Jose Antonio Sanvicente, driver at rehistradong may-ari ng sasakyan, sa insidente at sa biktimang security guard na si Christian Joseph Floralde.
My apologies sa nangyari. My apologies kay Mr. Floralde at sa kanyang pamilya "my apologies for what happened, to Mr. Floralde, and his family"
Personal na sumuko si Sanvicente kay PNP officer-in-charge Lieutenant General Vicente Danao Jr. sa Camp Crame, kasama ang kanyang mga magulang at isang abogado.
Sumagot din ang kanyang kampo nang tanungin kung sasagutin nila ang mga gastusin sa therapy ni Floralde, na kamakailan lamang ay nakalabas mula sa ospital ngunit patuloy pa ring nakakaramdam ng pananakit sa bahagi ng kanyang katawan.
Mother of SUV driver: "Hindi kami makatulog, hindi kami makakain. Syempre anak namin ang involved. Tsaka viral na eh. Mabait ang anak ko. Nagta-trabaho siya, he is a very responsible man."
Father of SUV driver on claims they have 'connections': "Ngayon ko lang na-meet si General Danao. Hindi kami magkakilala "Aksidente lang talaga ito. Maayos ang anak ko. Sino bang may gustong takbuhan 'yon?"
0 Mga Komento