Ad Code

Jimmy Santos sinubukan maging barker ng jeepney sa kanyang youtube video



Nagbigay muli ng latest vlog ng beteranong komedyante at TV host na si Jimmy Santos.

Pagba-vlog na ang pinagkakaabalahan ngayon ng Eat Bulaga! Dabarkads na mukhang hindi pa makakabalik sa longest-running noontime show dahil sa kanyang edad.



At present kasi ay 69 years old na si Jimmy, isa ng senior citizen na kabilang sa vulnerable sectors ngayong may pand3mya.

Kaya naman sa vlogging ibinubuhos ngayon ni Jimmy ang kanyang panahon. Tampok sa kanyang videos ang buhay probinsya at mga pasyalan sa Pampanga.



Sa kasalukuyan, mayroong higit 460 thousand subscriber ang channel ni Jimmy na Jimmy Saints.

Libu-libo ang kanyang views at may isang video siyang pumalo ng higit 2.9 million, habang ang isa naman ay higit sa isang milyon ang views.

Sa iba’t ibang video, may mga pahayag si Jimmy tungkol sa kanyang sitwasyon sa kasalukuyan. Sa kanyang latest vlog nga ay sinubukan naman niya ang maging barker ng jeepney.



Ang barker ay ang mga nagtatawag ng pasahero habang nakahinto ang jeep. Sila ang nanghihikayat sa mga tao upang mabilis na mapuno ang jeepney at makalarga na agad.

Byaheng main gate sa Angeles Pampanga ang jeep na napili ni Jimmy na pagbarkeran habang ito ay nasa pilahan.

Paulit-ulit din niyang binabanggit ang social distancing habang kinakamusta ang mga pasahero. Na tuwang tuwa naman na makita ang komedyante sa personal.



Kalakip din ng kanyang video ay ang pagtatanong ni Jimmy sa mga jeepney drivers tungkol sa kinikita nila sa isang araw. Ipinakita niya din kung gaano kahirap ngunit kasaya ang trabaho ng isang barker.

Aniya nga, para sa pamilya ay kahit anong hirap pa ng trabaho ay papasukin, basta mayroong maihahain sa hapag kainan na mula sa malinis na paraan.
Narito ang kabuuan ng kanyang vlog:


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento