Ibinahagi ng isang mag-aaral na si Nelson ang kanyang nakaka-inspire na kwento, sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo
Sa isang post ng "Bulsu Capture" ay ibinahagi ng mag-aaral ang kanyang kuwento "CHAMPION! Hindi trophy kundi baretang panlaba ang naging puhunan ni Nelson upang makamit niya ang pangarap na makapagsuot ng itim na toga. Naging katulong at dakilang labandera siya sa loob ng walong taon sa isang lugar sa Malolos"
"Naging hamon din kay Nelson ang pandemya ngunit hindi ito naging hadlang upang tumigil sa pangarap maging guro. Synchronous ang pinili niyang modality of learning sa online class dahil ayaw raw niyang mahuli sa discussion kaya kung minsan ay isinasabay niya ang paglalaba habang nagkaklase sa kanyang cellphone"
"Proud daw si Nelson sa kanyang ginagawang trabaho at sana ay maka-inspire ang kanyang kuwento ng mga estudyanteng napanghihinaan ng loob sa buhay. "Magpatuloy lang kayo sa pangangarap", ang payo ni Nelson sa mga kapwa niya estudyante."
Maraming kaibigan at mag-aaral din ang nagbigay ng pagbati para sa pagtatapos ng mag-aaral dahil sa loob ng walong taon na pagtatiyaga nito para makatapos ay nakamit na niya ang minimithing pangarap.
Ngayon ay nag hahanda naman si Nelson upang mag-aral pa ng husto sa darating na Bar Exam, nang sa gayon ay mag tuloy-tuloy na ang nasimulang pangarap na maging guro.
0 Mga Komento