Si Marvin , isang 23-taong gulang na binata ay isa lamang sa mga malaki ang pasasalamat sa 4P’s program na inilunsad ng ating pamahalaan, ito ay dahil isa lang naman siya sa mga natulungan nito na magkaroon ng oportunidad na matapos ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa kabila nga ng kahirapan ng buhay nila. Ito rin ang naging daan upang mabigyan niya ng katuparan ang pangarap niya na maging isang ganap na engineer. Batid nga ni Engr. Marvin Arnoza na ang buwis ng taong bayan ang dahilan ng kanyang pagtatapos sa pag-aaral, kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng tax payers sa ating bansa, bilang isa nga siya sa mga naging beneficiary ng 4P’s.
Nakapanayam ng PEP.Ph si Engr. Marvin, noong ika-26 ng Agosto nu’ng nakaraang taon, at sa panayam nga sa kanya ay naibahagi niya kung ano ang kanyang buhay noong siya ay nag-aaral pa lamang at kung paano niya napagtagumpayan ang pagtatapos ng pag-aaral sa kolehiyo sa kabila ng kahirapan ng buhay..
“Pagsasaka at pagkokopra po ang ikinabubuhay ng aming pamilya—isang kahig, isang tuka.
“Madalas, hirap kami na makakain nang tatlong beses sa maghapon, lalo na kapag may kalamidad o kaya naman ay matumal ang ani.”
Ayon nga kay Marvin, kahit na nakakatanggap na siya noon ng ayuda mula sa gobyerno ay may mga pagkakataon pa rin na kinakapos siya pagdating sa mga gastusin sa pag-aaral, kaya naman tuwing semestral break ay nagtatrabaho siya, imbis na magpahinga.
Aminado din siya na noon ay dumating din sa punto na muntik na siyang mawalan ng pag-asa , ngunit maliban sa kanyang pamilya ay nagpalakas din ng kanyang loob ang sinabi sa kanya ng isa niyang kaibigan noon.
dahil ngayon ay isa na nga siyang ganap na inhinyero at labis nga ang kasiyahan ng kanyang mga magulang, lalo na ng kanyang ina sa tagumpay niyang ito.
“Ngayon isa na po akong Inhinyero at ito po ang gusto kong ipagpasalamat sa inyo. Gusto kong iparating na may magandang naidudulot po ang buwis ninyo.
“Salamat po…”
0 Mga Komento