Ad Code

Lolang Nanlilimos Ng Pera Upang Buhayin Ang Kanyang Walong Maliliit Na Apo

Kinawaan ng netizen ang isang matanda matapos itong lumapit sa kanya na humihingi ng limos Sa pag-uusisa ng netizen sa matanda ay napag-alaman nitong mag-isa nalamang niyang binubuhay ang kanyang walong maliliit na apo.



Dahil iniwan sa kanya ito ng kanyang mga anak na nawalan rin ng mga trabaho dulot ng pandemya maagang nagsipag-asawahan ang mga ito kung kaya't mas lalong naging pasakit para sa matanda ang kumayod sa araw-araw.
Sa kanyang edad ay marami na siyang nararamdaman ngunit hindi niya maatim na makita ang kanyang maliliit na apo na nagsisi iyakan dahil walang makain o mainom na gatas man lamang.


Kung kaya't bilang isang ina ay gumawa ng paraan ang matanda na manlimos nalamang upang makabili ng pagkain at makabili narin ng gatas upang may mapakain sa kanyang mga apo.


Saad pa ng matanda sa netizen "Nahihiya narin ako minsan na manghingi sa mga tao dahil hindi ko naman talaga ito ginagawa pero, ginagawa ko nalang alang-ala sa mga apo ko dahil matanda na ako, ito nalang ang magagawa ko"


Saad ng netizen sa kanyang post "Si nanay nagpalimos nlng gawa ng siya ang bumuhay sa walong apo nya .kawawa naman po siya lalo na yong apo nya pag wala daw pambiling gatas tubig nalang daw ang ipa dede nya sana matulngan natin siya."


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento