Sa kuhang bidyo ay makikitang pinapaliguan lamang ng lalaki ang kanyang alagang aso, tila normal lamang ito na paliguan ang ating mga alagang hayup.
Ngunit sa sumunod na eksena ay tila kakaiba na ang ginawa ng naturang lalaki sa kanyang alaga, narito kung papaano nya ito ihagis ng mataas sa ere na kung saang makailang beses nag paikot-ikot sa ere ang alagang aso.
Makikita rin na nangi-nginig sa takot ang aso matapos itong bumagsak sa tubig at nang makaahon nga ito ay muling inihagis ang aso sa tubig at maka ilang beses ding inilub-lob sa tubig habang hawak ng lalaki ang mga paa ng aso Agad nag viral ang video na ito hanggang sa kumalat na nga ito sa ibat-ibang social media platform maraming netizen ang nakapanuod nito at hindi nagustuhan ang ginawang ito ng naturang lalaki
Sa kasalukuyan ay maaring masampahan ng karampatang parusa ang lalaki sa video, agad ding nabura ang nasabing video sa Tiktok account nito at patuloy na inaalam ang pagkakakilan-lan ng mga taong nasa likod nito
0 Mga Komento