Ad Code

Lalaking may limang "Utong" usap-usapan ngayon online viral!

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang lalaki mula sa Antique dahil sa kanyang kakaibang kundisyon sa katawan.

Ang na sabing lalaki ay kinilalang si Alvin na mayroong limang utong sa kanyang dibdib, naging usap-usapan ito sa kanilang lugar dahil sa kanyang kakaiba at pambihirang kundisyon.

Saad ng ilang mga malalapit na kaibigan at mga nakakakilala kay alvin "“Napansin ko na lima ‘yung utong niya nu’ng nagbibihis siya. Nagulat talaga ako! Para sa akin, mas lalo siyang gumwapo. Siya lang kasi ang nakilala kong kakaiba na may limang utong!”


"Matagal na kaming magkaibigan ni Alvin. Pero nito ko lang nalaman na may lima siyang utong. Sabi ko, ‘Hala, may limang utong pala ‘to!’ Sa baboy lang may ganoon karami. Nilampasan pa niya ‘yung kalabaw. Kasi kalabaw nga, apat lang eh.”
Ngunit para naman kay Alvin “Bata pa lang ako, apat na talaga ‘yung utong ko. Pero nu’ng nag-18 ako, may lumabas na isa pa! Akala pa ng nanay ko nu’ng una, libag lang. Marami-rami na rin naman akong nakarelasyon. Pero ‘yung asawa ko lang nakakita noon. Tinatago ko kasi talaga dati eh.”

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento