Ad Code

Jeepney Driver, Nag-Bigay Ng Libreng Sakay Sa Mga Pasahero, Dahil Nagkaroon Na Siya Ng 600 Subscriber Sa Kanyang Youtube Channel


Maraming netizen ang humanga sa kabutihang ginawa ng isang jeepney driver, sa pamamagitan ng libreng sakay sa mga pasahero ay malaking tulong na ito para sa mga mananakay na nais makatipid ng pamasahe.


Saad ng jeepney driver nasi Liberato Jr. matapos magbayad ang isang pasahero "Huwag na po, Huwag na Libre lang po ang sakay niyo dito sir, Eh naka 600 subscriber napo kasi ako sa aking youtube channel"

"Pasasalamat kolang to"- dag-dag pa nito, Agad umani ito ng samu't-saring papuri mula sa mga netizen at bilang sukli sa ginawang paglibreng sakay ng Jeepney driver na ito ay nag subscribe ang maraming netizen sa kanyang youtube channel.


Mula sa pagkakaroon ng 600 subscriber sa kanyang youtube channel ay pumalo na ito ng mahigit 13.5k Subscriber at patuloy pa itong nadarag-dagan.

Nagpapasalamat rin ang jeepney driber nasi Liberato Jr. dahil sa sukling ibinayad sa kanya ng mga netizen dahil hindi nya akalain na ganito pala ang balik sa kanya

"Godbless sayo manong! I just subscribed you deserve a lot of subscribers keep going more blessing papo sainyooo"

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento