Ngunit para sa mga kababayan nating naghihikahos sa araw-araw kapag binanggit mo ang salitang "Pag-pag" ay tiyak ay alam ito ng maraming mahihirap. Ang salitang "Pag-pag" ay ang mga pagkaing tira-tira mula sa mga restaurant at fastfood, karamihan kasi sa mga ito ay halos hindi naman nauubos o nagagalaw ng mga taong kumakain sa loob ng nasabing establishimento.
Gayun paman ay malaking bagay na ito para sa mga taong hikahos sa buhay at hindi alam kung saan kukuha ng pagkain. Tanging ito lamang ang naisip nilang paraan upang makaraos sa pang araw-araw na hamon ng buhay.
Ipinakita ng babae kung papaano lutuin ang pag-pag na manok mula sa mga naipon nito na mula sa mga pinagtapunan nitong mga restaurant at fastfood
Ito ay kanyang ibinida kung papaano nya ito lagyan ng asin at kaunting paminta habang hinahalo-halo ang mga ito. Kanya ring sinabi "Sa mga bashers jan na nanunuod wala akong pakialam sa inyo kung ano man ang sabihin ninyo basta't kami ay namumuhay ng maayos"
0 Mga Komento