Kuwento tungkol sa ngipin ng bagong panganak na baby Gulat at hindi makapaniwala ang isang mag-asawa sa India nang makitang ang newborn baby nila ay may pitong pirasong ngipin na.
Kuwento ng mag-asawa na sina Nikita at Harish Sharma, noong maipanganak ang kanilang anak ay hindi nila agad napansin na ito pala ay ngipin na.
Pagkapanganak ay kinailangang mailipat agad ang sanggol sa ICU o intensive care unit nang dahil sa impeksyon. Kaya naman nakita nila ulit ito matapos pa ang 10 araw.
Nang makalabas na ang sanggol sa ICU na isang baby boy at pinangalanang Prayan ay gustong sana pasusuin ito ng kaniyang ina na si Nikita.
Pero nagulat siya ng matuklasang may mga ngipin na ito sa ibabang bahagi ng kaniyang bibig. Ang mga ngipit niya ay pitong piraso na tulad ng sa mga adult o matatanda.
Ano ang natal teeth?
Ayon sa mga doktor na tumingin sa sanggol, ang mga ngipin na taglay niya ng maipanganak ay tinatawag na natal teeth. Kaiba ito sa tinatawag na neonatal teeth na lumalabas sa unang 30 araw matapos maipanganak ang sanggol. Ang natal teeth ay taglay na ng sanggol sa oras na siya ay maipanganak o habang nasa sinapupunan palang ng kaniyang ina.
0 Mga Komento