Matatandaang nakilala ang galing sa pagpapatawa at pag-ho-host ni Hipon Girl nang minsay nasali siya sa isang segment ng Wowowin na Willie of Fortune, dito nakilala at napansin ng host na si Kuya Will ang talento ni Hipon Girl hindi lang sa pagpapatawa kundi pati na rin sa pag-ho-host.
Simula noon nang mapansin ni Kuya Will ang husay ni Hipon Girl sa pag-ho-host ay nagpasya na si Kuya Will na kunin na si Hipon Girl bilang isang regular host sa kanyang show na Wowowin dito na rin nag simulang makilala ng mga netizens at viewers si Hipon Girl.
Ngayong tinanggap niya ang hamon na sumali sa BB. Pilipinas 2022 marami siyang napahanga dahil sa biglaang pagkawala ng kanyang awra bilang komedyante dahil sa mala-latina niyang ganda at sa katunayan viral na viral ang kanyang mga bagong larawan sa kanyang social media accounts.
Viral din ang isang bidyo na kung saan nakuhanan siya ng bidyo ng isang netizen na habang nakasakay ang netizen sa kotse ay humanga siya sa ganda ni Hipon Girl at hindi napgilang kuhanan ito ng bidyo.
0 Mga Komento