Ad Code

Tsuper Nililibre nalang ng pamasahe ang mga pasaherong walang-wala, kahit kailangan niya ng pangbili ng gamot


Tsuper Nililibre nalang ng pamasahe ang mga pasaherong walang-wala, kahit kailangan niya ng pangbili ng gamot para sa sawang na stroke

Umantig sa puso ng maraming netizen ang kuwento ng isang tsuper na kinilalang si Tatay Michael dahil sa kanyang ginagawang pagkagawang gawa sa mga taong labis na nangangailangan.


Nag-viral si Tatay Michael matapos mabasa ng isang netizen ang nakasuilat sa kanyang karatula "Para sa walang-wala Ty lang okay na"

Ibig sabihin para sa mga mananakay na nais makatipid sa pamasahe dahil sa mahal ng bilihin ngayon ay nagtitipid nalamang o hindi kaya'y naglalakad nalamang nagpakalayo-layo para lamang makatipid ng pamasahe.

Naisip ni Tatay Michael na tulungan ang mga mananakay sa pamamagitan ng kanyang pagtulong ng libreng sakay, kahit psasasalamat nalamang ang kanyang matanggap ay ayos na



Ngunit mas labis na nangangailangan pala si Tatay Michael dahil kinakailangan rin niyang kumayod sa araw-araw upang makabili ng gamot para sa kanyang may bahay na na-stroke.

Saad naman ni Tatay Michael “Sinimulan ko ‘yun nu’ng tumaas ng piso ‘yung minimum na pamasahe. Imbes na mag-1-2-3 sila, magsabi na lang sila na wala silang pamasahe at mag-thank you na lang sila. Sapat na ‘yun. Sobrang hirap kasi ng buhay ng mga Pilipino ngayon. Ang buhay natin, give and take. Kung ngayon, mabibigyan ka, baka sa susunod ikaw na ang makapagbigay.


Masaya rin kasing makatulong sa mga taong kapos. Kasi lahat tayo galing doon simula nang nagpandemya. Kahit mahirap ngayon mamasada para sa mga tsuper, kahit pa misis ko kailangan ng panggamot dahil siya’y na-stroke, importante pa rin sa akin ang makatulong. at kahit papaano, may napapaligaya ako.”




"kung sino pa nga minsan yung mahirap lang o yung walang wala din sa buhay sila pa yung nakakatulong sa kapwa, kasi alam at naranasan nila ang buhay mahirap at maging hikahos. at yung mga mapepera o maykaya sila pa yung nagdadamot, ayaw mabawasan kahit barya ang kanilang pera o kayamanan. GOD bless you po Tatay."



"Eto ang taong totoong may magandang puso wala kaplastikan wala kayabangan, ni hindi lalong pakitang tao lng, sa kabila ng kanyang trabaho na sapat lng ang kinikita minsan kulang pa..at may sakit na asawa na kailangan maghigpit sa pera pero hindi nia ginawa,bagkus tumutulong pa sia sa munting halaga man atlis masaya siahindi kailangan ng malaking tulong ang importante nakatulong ka sa mas wala pa...patunay na kau po ay kuya ay isang magandang ehemplo stin bansa.na dapat gayahin ng mga taong may maitutulong naman ngunit pinagdadamot God bless you ponaway humaba pa ang iyong buhay at gumaling na ang iyong may bahay"



"Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.
Mga Taga-Galacia 6:9 MBB
God bless you po."

"saludo po ako sayo tatay na may busilak na kalooban at di nagdadalwang isip tumulong,mahal ang gasolina ngayon ganun din ang pamsahe kaya may mga kababayan tayong nahihirapan sa pagbudget ng pera nila makapasok lang sa trabaho araw araw.Naway gabayan ka palagi ni Lord at pagpalain"



Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento