Ang buhay ng isang tao ay totoong napakahirap dahil sa dami ng pagsubok at problemang kailangan pagdaanan. Kaya naman nakakahanga ang mga taong hindi sumusuko sa hamon ng buhay at patuloy na lumalaban.
Marami na tayong kwentong narinig o nabalitaan tungkol sa mga taong hindi naging hadlang ang kahirapan upang makapagtapos sa pag-aaral. Salamat sa kanilang tiyaga, pagsusumikap at determinasyon.
Sa isang article ng ‘The Summit Express’, ibinahagi ang kwento ni Justin Jay Malarasta, bunso sa anim na magkakapatid.
Si Justin kamakailan ay nakapagtapos bilang isang Magna Cum Laude and Class Valedictorian of BS Criminology, Batch 2019, sa Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology – Cavite Campus.
Sa kanyang speech, pinasalamatan ni Justin ang kanyang ina at mga nakatatandang kapatid sa kanilang suporta, dito narin inamin ni Justin na siya ay nagmula sa mahirap at hindi kumpletong pamilya.
Kwento ni Justin, pagka-graduate niya ng high school ay hindi na muna siya nagkolehiyo dahil ayon sa kanyang ina kailangan niyang magbigay daan sa nakatatandang kapatid na si kuya Wendell. Si kuya Wendell ay nasa third year college na noon sa kursong BS Criminology. Nakapagtapos rin itong Magna Cum Laude sa taong 2016. Kinailangan ring tumigil nang tatlong taon sa pag-aaral noon ni kuya Wendell pagkagraduate niya ng high school at nakapagpatuloy muli ng makahanap na siya ng trabaho.
Ang isa pang kuya ni Justin na si John ay tatlong taon ring tumigil sa pag-aaral. Siya naman ay nakapagtapos ng BS Information Technology nito lamang June 2019.
“One of the reasons is that my mother is a single parent with no permanent job and she is incapable of supporting me financially to continue my studies. She is the one who supported my studies during elementary and high school by selling vegetables and other goods in our neighborhood to sustain a living.”
“My parents separated and my father left us during my childhood days and live with his second family. Concubinage ika nga sabi sa Article 334 of the Revised Penal Code during our discussion in Criminal Law Book 2. But despite on what he have done I do not have any ill-feelings towards him. I still love him because at the end of the day he is still my father. I just accepted the reality, moved on and continued the life that I have.”
“From that situation I made a promise to myself that I will never do the same thing that my father have done because I knew the feeling of how it is to be part of a broken family not just broken but financially broken family.”
Ang nakatatandang kapatid ni Justin na si kuya Michael “Mike” Babiero Malarasta ang nagbigay ng magandang balita sa kanila noong June 2015. Nang matanggap nito ang kanyang unang sahod bilang nurse sa Singapore ay nagdesisyon itong siya na ang susuporta sa kanyang mga kapatid.
Si kuya Mike ay pinag-aral ng kanyang tita na si Judith Malarasta-Wright.
Tatlong taon mang tumigil si Justin sa pag-aaral, hindi ito naging hadlang upang makamit ang kanyang pangarap, kumuha rin ito ng BS Criminology katulad ng kanyang kuya Wendell.
Ngunit kulang parin sa financial support si Justin dahil tatlo silang sinusuportahan ni kuya Mike.
“Every vacation nagsa summer job kami ng mga classmates ko, naexperienced na naming maging real state agent, stockman and production operator from different companies in Maguyam”. From that, it made me realize na napakahirap palang maghanap at mag apply ng trabaho at dun ko rin narealized na di sa lahat ng pagkakataon kailangan yung mataas ang grades. Mas nangingibabaw pa rin dapat yung diskarte at kalakasan ng kalooban..”
“Pag nasa stage ka na ng pagtatrabaho marerealize mo na ‘mas masarap pala ang mag aral’, ‘Ang hirap pala kumita ng pera”. Dapat pala wag kong sayangin yung pagsuporta sakin ng mga magulang o guardian ko” and through that realization it motivated me to give my best in my studies in college.”
“By the way I would also like to recognize all working students who are here and also sa mga may anak or nagka anak na during college na ipinagpapatuloy parin ang pag aaral at sa lahat ng graduating students na despite from those odds and struggles look at you, wearing a black Toga and receiving your Diploma.You are now a Bachelor’s Degree Holder konti na lang malapit na nating makamit ang mga pangarap natin sa buhay lalo na sa ating mga magulang at sa mga mahal natin sa buhay.”
Pagdating ng 2019, nakapagtapos na si Justin bilang isang Magna Cum Laude.
May mga ilang kandidato sa pagiging Magna Cum Laude ngunit si Justin ang napili matapos ang final deliberation. Ang iba ay Cum Laude.
Si Justin ay isa lamang ordinaryong studyante mula elementary at high school na walang awards or recognition na natatanggap. Kaya talagang nakakahanga ang kanyang tagumpay na ito.
Sa kanyang speech, bukod sa pagkwekwento ni Justin ng kanyang mga pinagdaanang hirap, sinabi rin niya sa kapwa graduates na pantay-pantay lamang sila.
“Today, our many hours of hard works have finally paid off. After our graduation, it will not be the end but it is just the beginning of the reality. It is not going to be easy because we all know that we will face a lot of challenges. We are going to face both failures and successes. But always remember that the word FAIL doesn’t mean failures at all. It means First Attempt in Learning.
Always remember that pain is just temporary and nothing terrible lasts forever. Just focus on your goals and be confident on yourself and keep being motivated. For me that’s the ingredients of success. Grades [are] not the basis of Intelligence but rather a bonus and reward from God for your honesty, hard work and sacrifices.”
“Lahat tayong mga estudyanteng magsisipagtapos ngayon ay pantay pantay. Never under estimate your capabilities, mababa man ang mga grades mo or wala ka mang award basta alam mo sa sarili mong pinaghirapan mo ang lahat ng yan at naging tapat ka sa sarili mo, you should be proud of yourself. We all deserved to be honored and recognized for the job well done.
Alam ko we have different unique qualities, nakakuha man ng mababang grades ang ilan sa atin or nakakaranas man ng mga failures sa buhay but always remember that never lose hope sapagkat hindi lang naman lagi nakabase sa grades or awards ang tagumpay sa araw na ito. Ang ating pagtatapos ay di nangangahulugan pagtatapos din ng ating tahakin sa buhay bagkus ito lamang ay simula ng panibagong yugto ng ating buhay.
Sabi nga ni Orlie Ferrer Jacob; “Huwag kang tumingin sa kung ano ang natapos mo. Tingnan mo kung ano ang kaya mong abutin at kung saan ka dadalhin ng iyong sipag, tiyaga at pagpupursige. Dahil ang totoong nagtatagumpay ay yaong mga taong hindi kailanman sumuko o bumitaw sa kahit anumang hamon ng buhay!”
0 Mga Komento