Ad Code

DALAGITA, NAKUHANG MAGNAKAW NG MAHIGIT 2 MILYONG PISO PARA MATUSTUSAN ANG KANYANG KOLEKSYON



“May hinahanap ako nu’n sa closet ni ‘Bea’.
Sa gitna ng mga damit, may nakapa akong parang matigas, mga photocard ng KPop!
Tapos nu’ng chineck ko, ang daming boxes sa likod ng closet. Bundok-bundok na!
May albums, binders, boxes, halo-halo!



Mayroon siyang isang photocard na worth 50,000!
‘Paano mo ‘to kinukuha?’
Doon niya po inamin na kumukuha siya ng cash doon sa store ni Mommy kung saan siya tumutulong.
Sobrang sakit ng ginawa niya.
Simula nitong January kasi, nagkakaroon kami ng financial problem. Nasho-short si Mommy ng 2.7 million sa business niya.
Kaya tingin talaga namin, hindi bababa ng 2 million ang nagastos niya.”-“Jasmine”



“Nag-start po ako maging KPop fan noong 2017.
Na-discover ko ‘yung BTS through my classmates.
Noon, pa-isa-isa lang binibili ko.
Hanggang sa madalas akong nakakakita ng mga may collection sa TikTok kaya parang gusto ko na ring bumili.
Nu’ng una, pera ko po ‘yung pinanggagastos ko galing sa baon ko.
Mga 300 to 400 pesos bawat piraso.
Hanggang sa nagsunod-sunod.



Nu’ng naubos na ‘yung pera ko pambili, nag-start akong kumuha sa kaha ng lola ko.
Doon na po nagtuloy-tuloy.
Hindi ko po in-expect na aabot ng more than 2 million pesos po lahat.
Sobrang na-guilty po ako sa sitwasyon namin.
Pinagsisisihan ko po ‘yung nagawa ko.
Sorry po talaga.”-“Bea”



umani ng iba't ibang reaction mula sa nitizen ang naturang post:


umani ng iba't ibang reaction mula sa nitizen ang naturang post:





Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento