Ad Code

Nanay na nagluto ng Sardinas na may misua, hindi kinain ng mga anak dahil hindi raw Ito masar



Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, isa sa mga sinisigurado ng mga magulang ay ang makapaghain ng masustansyang pagkain na ating mapagsaluhan sa hapag kainan. Bukod sa pahirapan sa pagba-badyet ay isa ring palaisipan kung anong putahe ng ulam ang ating kakainin sa araw-araw.

Kaya sana ay huwag naman nating gawin sa ating mga magulang ang ginawa ng isang anak na ito.Kwento kasi sa Facebook post ni AmbonTV John ay naabutan niya ang kanyang ina na tila balisa at kumakain mag-isa.



Aniya, tinanong niya ang kanyang ina kung bakit wala siyang kasabay kumain at kung bakit malungkot ito.Sagot naman daw ni nanay ay hindi raw kasi nagustuhan ng kanyang kapatid ang niluto niyang ulam.


Sablay! Dahil malapot daw at walang sabaw.

Imbis na pahalagahan at magpasalamat sa ina ay hindi kumain ang kapatid ni AmbonTV John. Kahit sino ay malulungkot at maiinsulto kung ganito ang gagawin sa'yo matapos mong pagpaguran ang paghahanda ng pagkain na mailalatag sa hapag-kainan.

Kaya naman kahit hindi pa raw nagugutom ang nagbahagi ng kwento na si AmbonTv John ay kumuha ito ng plato at sinabayan ang ina ng kumain.Sinaluhan nito ang nanay sa pagkain ng niluto nitong Sardinas na may misua para maipakita na naa-appreciate niya ang ang inihain nito.



Sabay sinabihan pa ito na "masarap naman ang luto mo ma eh!".

Dahil dito ay napangiti na ang ina ni John at napawi na ang lungkot nito. Paalala niya na mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang habang kasama pa natin sila.Maswerte ang mga taong nakakaranas o nakaranas ng pag-aalaga ng isang nanay o tatay.

Sumangayon naman ang libo-libong mga netizens at ikinatuwa ang ipinakitang pagpapahalaga at pagmamahal ni John sa kanyang butihing ina.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento