Sadyang sa isang pamilya ay minsan mayroong mga anak na parang wala ng pakialam sa kanilang mga magulang na dapat sana ay mas inaalagaan nila kapag matatanda na ang mga ito.Sa isang kabanata ng artikulong ito, masasaksihan ang nakakalungkot na kalagayan ng dalawang matandang mag-asawa kung saan ay nakatira lamang sila sa sirang tent.
Napag-alaman na ang dalawang matandang ito ay nakatira sa Linabuan Norte, Kalibo, Aklan na sinasabing kinalimutan na sila ng kanilang mga anak.
Mapapansan sa mag-asawang ito na bukod sa mga payat na pangangatawan ay hindi rin maayos ang kanilang tinitirahan dahil sa sira-sirang tent lang sila natutulog. Sa isang video sa Youtube na ibinahagi ng Radio anchor na si Archie Hilario, sinubukan nitong pasyalan at alamin ang mahirap na kalagayan ng mag-asawa.
Makikita sa video na tagpi-tagpi lamang ang kanilang tinitirahan na tent. Ayon kay lola, mayroon siyang mga anak na nakatira sa Maynila ngunit matagal na silang hindi nagpaparamdam at tila kinalimutan na sila.
"Yung dalawa nasa Maynila, wala ring kumunikasyon sa amin kung saan sila natira" ayon kay lola.
Sinabi din ni lola na kahit sulat manlang sana ang kanilang matanggap mula sa kanilang anak sa Maynila ay magiging masaya na ang mga ito. Hindi daw masama ang loob nila sa mga anak nila basta ang mahalaga daw umano ay malaman nila kung ano na ang kalagayan ng kanilang mga anak at kung anong balita sakanila.
"Hindi naman sumasama ang loob ko sa kanila.. bakit naman nila kami ginato, ni hindi nila kami pinapadalhan. kahit sulat lang. kahit padalhan nila kami ng sulat lang masaya na ako. Kahit sulat o sa Facebook lang makita namin sila, sasaya na kami." ayon kay lola.
"Hindi nila kami naalala ng dalawa naming babae sa Maynila." dagdag pa ni lola.
Meron umano silang isang anak na namamasukan malapit sa kanilang lugar ngunit mayroon na din itong pamilya kung kaya naman kung wala itong maiaabot sakanilang pera ay wala rin silang makakain.
Dahil sa naramdamang awa ni Hilario sa matanda ay inalok nito kung puwede daw ba silang magpatayo ng bahay para sa mag-asawang matanda, ngunit sinabi ni lola na hindi maaari dahil hindi sakanila ang lupang kinatitirikan ng kanilang tent.
0 Mga Komento