Ad Code

Taxi driver,sinabi sa kaniyang pasahero na inaantok,ngunit laking gulat nang matanda nang gawin ng babae ito



Pampublikong transportasyon dito sa Pilipinas ay talaga namang kilala at usong-uso. Hindi maitatanggi na marami sa ating mga manggagawa ang araw-araw na sumasakay sa pampublikong sasakyan upang makarating sa kanilang pinagtatrabahuhan at upang makauwi rin sa kani-kanilang mga tahanan kasama ang kanilang pamilya.



Ngunit ano kayang magiging reaksyon o sagot ng isang pasahero kung sasabihin sa kaniya ng isang taxi driver na hindi na nito kayang magmaneho dahil sa sobrang antok at pagod at inaalok na lamang niya ito na hanapan ng ibang masasakyan? Ang nag ngangalang Christina Tan ang mabait na pasahero na siyang dapat sana ay aarkila sa taxi ng 70 taong gulang na taxi driver ngunit nang sabihin sa kaniya ng matanda na sobrang inaantok na ito at hindi na kakayaning magmaneho pa, si Chrtitina na mismo ang gumawa ng paraan upang maging komportable ang matanda.



Maayos ang kanilang pag-uusap noong mga una dahil sa nakapagmaneho pa ang matanda, sila rin ay nagawa pang makipag kwentuhan kung bakit hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin ang matanda na dapat sana ay retiro na at namamahinga na sa kanilang tahanan. Sabi ng matanda, mayroon pa daw kasing siyang pamilya na umaasa sa kaniya kung kaya naman kailngan talaga niyang magbanat ng buto kahit na may edad na siya.



Nang makaramdam na ng pagod at pagkaantok ang matanda ay sinabi na nito kay Christine ang kaniyang sitwasyon. Hindi naman ito naging problema sa pasahero niya dahil siya na raw ang bahalang magmaneho at maaari munang mamahinga ang matanda sa likuran. Dahil sa mga kwneto at larawang ibinahagi ni Christina ay mas maraming mga Pilipino ang namulat na hindi naman pala masamang magpakita ng pagmamalasakit sa ating kapwa kahit pa nga sa pinakasimpleng paraan na kaya nating gawin. Ang buhay ay hindi isang kompetisyon kung kaya naman hindi natin kailangan na kalabanin lahat ng taong makikilala at makakasalamuha natin. Tila’y kailangan nating magkaroon ng mabuting puso at kalooban upang mas maging maayos ang lahat at mas makapagdulot tayo ng inspirasyon sa nakararami.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento