Marami sa ating mga Pilipino ang pinagsasabay ang kanilang pag aaral at ang kanilang pagtatrabaho, halos danas nga ito ng nakararami sa atin, kaya naman mapapabilib ka sa isang ina na habang nag aalaga ng mga anak at nagtitinda ng gulay ang hanapbuhay, ay nagagawa pa nitong makapag aral at makapagtapos.
Siya si Liezel Nudalo Formentera, taga San Francisco sa Cebu, mayroon siyang tatlong anak na inaalagaan at pagtitinda ng gulay ang kanyang hanapbuhay.
Nito lamang ay ibinahagi ni Liezel ang naging kaniyang tagumpay, dahil nakapagtapos siya ng kolehiyo sa kursong Bachelor’s Degree Industrial Technology sa Cebu Technological University, sa kabila ng hirap sa kanyang buhay at pagbabalanse para sa pagtitinda at pag aalaga sa tatlo niyang anak.
Lubos ang kanyang pasasalamat sa mga taong nakasuporta sa kaniya, at nakakaintindi sa sitwasyon niya.
“Being a mother of three children, a vegetable vendor by day, and a student at night is not easy, but I thank God that he gives me strength in the midst of these circumstances. Thanks to my beloved customers for supporting my small business,”- ayon sa post ni Liezel sa kanyang Facebook account.
“Now, behind this situation, I have achieved my goal in life … Thank you, dearest Jesus, for these blessings,”- dagdag pa nito.
Bumuhos rin ang maraming pagbati sa napagtagumpayan ni Liezel, at nagpapasalamat siya sa mga taong bumati sa kaniya. “Thank you kaau sa inyong matahom nga comment walay kabutangan sa akoang kalipay karon thank you so much po.”- Liezel Nudalo Formentera.
Pinapakita lamang nito na kapag gugustuhin mo at sasamahan ng sipag at tiyaga ay makakamit mo din ang itong mga pangarap.
0 Mga Komento