Kilala ang mga Pilipino sa pagiging masipag lalo na kung sila ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang mga Overseas Filipino Workers ay itinuturing na mga bagong bayani ng ating panahon ngayon.
Kaya naman nakaka-proud maging isang Pilipino sa tuwing makakasaksi tayo ng mga OFW’s na nagbibigay ng karangalan o hinahangaan ng ibang lahi.
Katulad na lamang ng isang OFW na si Mae Anne Olmidillo, 27, na nagtatrabaho sa Dubai bilang barista ng sikat na coffee shop.
Sa Instagram post ng Dubai Police, napulot umano ni Olmidillo ang bag na naiwan ng isang customer na naglalaman ng malaking halaga ng pera na aabot sa 10 milyong piso.
Ayon sa post, ang bag na napulot ni Olmidillo ay nagkakahalaga ng Dh195,000 o P2.75 million pesos. Ang laman naman ng bag ay cheque na may halagang Dh500,000 o P7 million pesos at cash na Dh6,250 o P88 thousand pesos.
Hindi naman nagdalawang isip si Olmidillo na isauli ang bag na kanyang napulot.
"When I found the money, hindi po ako nagdalawang isip na ibalik ‘yung pera sa nagmamay-ari. Hindi po akin ‘yun at alam kong may return si God para sa akin,” sabi ni Olmidillo.
Bilang pasasalamat, personal na nagtungo si Dubai police Col. Rashid Mohammed Saleh Al Shehhi sa coffee shop kung saan nagtatrabaho si Olmidillo upang bigyan ito ng regalo at certificate of recognition.
“Dubai police has a habit of springing surprises on community members for their honesty, good conduct, or even for following traffic rules,” saad nito.
“We reach you to Thank you,” dagdag nito.
0 Mga Komento