Ad Code

Magsasaka na Pinalayas Noon sa Bahay na Inuupahan Dahil Walang Pambayad, Inspirasyon Ngayon Matapos Makaahon at Makapagpundar ng Ari - arian Dahil sa Pagbebenta ng Pakwan



Tunay na ang sikreto sa pag-unlad sa buhay, sa kabila ng madaming pagsubok na pagdadaanan ay ang kasipagan at tiyaga ng isang taong may pangarap na umulad at maging maganda ang takbo ng pamumuhay.

Ganitong ganito, nga ang ginawa ng magsasaka ng pakwan, na nagawang umulad sa kanyang buhay, sa kabila ng maraming pagsubok na kanyang pinagdaanan. Kamakailan lamang ay ibinahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang puno ng inspirasyon na kwento ng buhay ng magsasaka ng pakwan na kinilalang si Helen Cullo.

Ayon sa naging kwento, si Helen Cullo, ay naninirahan sa isang bayan sa Aklan, kung saan ay ang kanyang pamilya, ay nabubuhay sa pagsasaka ng gulay, at pagtitinda ng pakwan. Maging ang kanyang napangasawa, ay isa ring magsasaka.

Sa naging paglalahad ng kwento ni Helen sa Jessica Soho, ay napag-alaman na naranasan nitong mapalayas sa inuupahan noong taong 2000, kung saan ay hirap ang kanyang buhay, dahil sa may anak siyang nag-aaral noon sa kolehiyo at may anak pa siyang pinapagatas. Hindi umano sila nakabayad ng dalawang buwan sa upa, kaya naman pinuntahan siya ng may-ari at pinalayas sila, hindi rin umano nito pinakinggan ang kanyang pakiusap na magbabayad naman siya sa takdang araw na kanyang ibinigay.

Hindi nga naging madali ang buhay ni Helen, dahil sa pito ang kanilang anak, kabilang ang triplets, ang isa niyang anak na nawala na, kaya naman, dahil sa hirap ng buhay niya noon ay nagawa niyang ipamigay at pansalamatalang paalagaan ang kanyang ibang anak sa mga kamag-anak nila.

Kwento pa ni Helen, dahil sa labis na kahirapan, ay ilang beses siyang nangutang ng pampuhunan. May pagkakataon pa umano na nanghiram siya ng P50,000, para ibili ng Indian mango at pakwan, na kanyang iaangkat patungong Maynila, ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya sinewerte dahil sa imbis na maibenta, ay marami sa mga Indian mango ang nabulok at nasira, kaya naman ito’y kanyang itinapon na lang.

Sa kabila nito, ay hindi pa rin nawalan ng pag-asa si Helen, silang mag-asawa ay muling nagpasya na sumubok sa ibang paraan para sila ay kumita sa pamamagitan ng pagtatanim muli ng pakwan. Silang mag-asawa ay muling nanghiram sa kanilang mga kaibigan, at ang halaga ay umabot sa P300,000 kung saan ito ay ginamit nila upang ibili ng binhi, at pangpataba.

Dito na nga unti-unting nagsisimula ang pagbabago sa buhay nina Helen at ng kanyang pamilya. Dahil sa kanilang unang ani, ay agad silang kumita ng P1.2 milyon.



Pero katulad ng ibang pagnenegosyo, ay dumaan rin sa pagsubok sina Helen, sa pag-uumpisa nila. Isang bagyo ang dumaan sa bansa, kung saan, ay apektdo ang kanilang lugar, kaya naman ang mga pananim nila ay nasalanta, at maging ang kanilang tahanan ay nasira.



Magkaganoonman, ay patuloy pa rin ang buhay. Tuloy pa rin ang naging pagtatanim nilang mag-asawa ng pakwan, at paglipas nga ng panahon dahil sa kanilang sipag at tiyaga, ay lumago ang kanilang taniman hanggang sa guminhawa na ang buhay ng kanilang pamilya.



Nagawang bilhin ni Helen ang lupa, kung saan sila nangungupahan noon at nagawa silang palayasin dahil sa hindi pagbabayad upa. Ang kanyang mga anak, ay nabawi na rin niya sa mga kamag-anak na ang-aruga sa mga ito nong panahon na silang mag-asawa ay hirap.

Isang maganda at kumportableng bahay na rin ang kanilang tinitirhan ngayon.



Nakapagpundar na rin si Helen ng kanilang sasakyan, at ang mas nakamamangha pa, ay mula sa 3 ektaryang lupain lamang na kanilang taniman noon ng pakwan, ngayon ay 50-ektarya na ito.



Dahil din sa naging pag asenso ng kanilang buhay, ay napagtapos na ni Helen ang kanyang mga anak, at ang iba nga sa mga ito, ay katuwang niya pa ngayon sa kanilang negosyo.



Samantala, sa kabila ng maraming pagsubok na pinagdaanan ni Helen Cullo sa kanyang buhay, kung saan ay napakaraming beses niyang nakarinig ng masasakit na salita noon sa kanyang mga suppliers, ay hindi nga siya nagpatinag sa mga ito, bagkus ay mas tumatag pa ang determinasyon niyang umangat at gawing maunlad ang kanyang buhay na ngayon ay kanya nan gang nakamtam.



Malaki rin ang naging pasasalamat ni Helen sa Diyos, dahil kung hindi rin sa gabay nito, ay hindi niya makakamtan ang masaganang buhay na mayroon siya at ang kanyang pamilya ngayon.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento