Ad Code

Kilalanin si Dexter Valenton, unang Aeta na nakapasa sa Criminology Licensure Exam


I Dexter Santos Valenton ang pinakaunang Aeta na pumasa sa Criminology Licensure Exam (CLE).

Kaya naman binati at kinilala siya ni Pampanga Governor Dennis “Delta” Pineda sa isang Facebook post noong January 19, 2023. “Siya po ang unang Aeta na pumasa sa board exam para sa mga kumuha ng kursong BS Criminology, ayon po sa record ni Provincial Social Welfare and Development Officer Elizabeth Baybayan,” sabi ni Pineda sa kanyang post.

Si Dexter, 23, ay scholar sa Central Luzon College of Science and Technology College sa San Fernando, Pampanga. Nag-graduate niya noong July 2022. Siya rin ang unang graduate at board passer sa kanilang pamilya at posibleng sa kanilang tribo na Mag Indi.

“Sobrang saya po, sobrang thankful po. Hindi maipaliwanag yung nararamdaman since ako yung pinakaunang Aeta na nakapasa sa Criminology Licensure Examination,” sabi ni Dexter sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa palitan ng mga mensahe mula January 19-24, 2023.



One step closer na siya para tuparin ang pangarap niyang maging pulis. Malalim ang dahilan ni Dexter kung bakit sinikap niyang mag-graduate ng kursong Criminology at makapasa sa board.

“Pinangarap ko po talaga na maging pulis dahil sa amin, wala pa akong nakikita na pulis [na Aeta]. “Meron naging pulis sa amin kaso di yung tulad nung sa akin na college graduate and board passer. Kaya parang andun pa din yung discrimination, kaya nag-pursue talaga ako.”

Aniya sa ka-tribo niyang naging pulis, “Yung eligibility na ginamit niya is pagiging kapitan.”
DEXTER’S CHALLENGES IN COLLEGE Aminado si Dexter na hindi naging madali ang pagpapaaral sa kanya dahil hirap sila sa buhay.

“Sa college po, number one na pinakamahirap na pinagdaanan is yung sa financial, lalo na farmers po yung parents ko. “Sila ang tumutugon sa pang-araw-araw na gastusin ko.” Kaya malaking tulong na nakakuha siya ng scholarship sa local government unit.



Pagkatapos mag-graduate, ang pagre-review ang inatupag ni Dexter. Hindi rin madali ang pinagdaanan ng binata.

“Halos walang tulugan po yung pagre-review. Pagod [at] puyat ang magiging kalaban mo.“Minsan hindi mo namamalayan nakakatulog ka na lang bigla, gawa ng pagod yung isip at katawan mo.

“Pero dahil may pangarap ako, kaya kinaya ko.”Para mairaos ang kanyang pagre-review sa isang review center, kailangan nilang gumawa ng paraan para matustusan ang mga gastusin.

“Lumapit ako sa isang kakilala para makapagbayad sa libro. Then yung ibang gastusin po, sinagot ng TRC Review Center. “Yung mga pambaon ko naman po, tumutulong ako sa mga magulang ko sa pagtatanim para kahit papaano kumita ng pera.” Sulit ang pagod at hirap ni Dexter. Kasama ang pangalan niya sa listahan ng CLE passers nitong January 19, 2023.




Ano ang pinakamasarap sa kanyang achievement? “Yung makita ang mga ngiti ng magulang ko dahil sa mga achievement na natatamo ko,” sagot ni Dexter.

Sinusulit ngayon ni Dexter ang pahinga at isusunod na ang pag-a-apply.“As a future police officer, magiging good example tayo. Lalo pa ngayon di po ba, meron ibang police na nakakagawa ng hindi maganda?”

Sundot ni Dexter: “Magiging good example not only sa tribe but also para sa bayan.”

 

Ano ang mensaheng nais niyang iwan sa mga kukuha ng board exam in the future?

“Sipagan lang. Samahan ng tiyaga lalo na’t hindi biro ang pagti-take ng board exam.

“And lastly, wag kakalimutan humingi ng gabay kay God.”

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento