Ad Code

Isang mag-aaral ipinagmalaki ang tatay dahil napagtapos siya kahit sa pagiging basurero lang ang hanap buhay


Isang malaking karangalan para sa mga magulang ang makatapos ang kanilang anak ng pag-aaral. Bukod sa pinapangarap ng lahat na makatuntong sa kolehiyo at makatapos ay pinapangarap rin ito ng ating mga magulang. Lahat ay gagawin ng isang magulang alang-alang sa kapakanan ng kanyang anak. Isang anak naman ang proud na proud sa kanyang ama na isang basurero.



Si Junnel Gemida ay lubos na nagpapasalamat sa kanyang masipag na ama dahil nairaos nito ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Sa pamamagitan ng pag-post sa social media, ay ibinahagi ni Junnel ang kanyang dakilang ama.



“Flex ko lang tatay ko kahit basurero siya napagraduate niya ako,” ani ni Junnel sa kanyang facebook post. Masayang masaya si Junnel dahil nakapagtapos siya ng pag-aaral sa tulong ng kanyang ama kaya naman, kapag nakahanap umano siya ng trabaho ay susuklian niya ang mga sÃ¥kripisyo ng kanyang ama para makatapos siya.

Si Tatay Juanito ay 51-anyos na kumikita sa pangangalakal ng basura. Ito ang paraan niya para mairaos sa pag-aaral ang kanyang anak na si Junnel. Dalawang anak ang pinag-aaral ni Tatay Juanito kaya doble-kayod siya sa pagtatrabaho.



Bukod kay Junnel, ay ipinagmalaki rin si Tatay Juanito ng kanyang misis dahil sa pagiging masipag nito sa paghahanapbuhay para makatapos ang kanilang mga anak. Nauna ng nakatapos si Junnel at kasalukuyan pang nag-aaral ang bunso niyang kapatid.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento