Ad Code

Isang ganap na Architect,Estudyanteng inabot ng 8 Years sa College dahil sa samu't-saring problema



Nakakaantig ang estoryang ibinahagi ng isang Architec gradute na si Jonell C. Calisin sa kabila ng bawat pagsubog at hamon ng buhay ay hindi ito sumuko.



Ibinahagi rin niya ang kanyang paglalakbay patungko sa tagumpay na kahit inabot man ng matagal at halos napag-iwanan narin ng kanyang kaklase. Labis na pinanghinaan man ng loob ay tanging kanyang tinitignan lamang ay ang kanilang bahay na barung-barong.



Na kung saan ito ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob upang labanan at hamon ng buhay, hindi pinanghinaan bagkus ay mas lalong tinapangan upang makamit ang tagumpay narito ang kanyang kwento



“Lagi ko lang tinitignan yung bahay namin pag gusto ko nang sumuko”

Isang Architecture graduate mula sa Bulacan ang nag share ng kanyang mga dinaanang paghihirap at pagsubok bago nya nakamit ang minimithing pagtatapos sa kanyang pag aaral. Si Jonell ay hindi nawalan ng pag-asa kahit pa sya ang pinakamatanda sa kanilang batch at nagpahinto hinto ang kanyang pag aaral sa kolehiyo dahil sa kahirapan, nanalig pa rin sya at naniwala na kaya nya at magagawa nya.




“Mahirap pero hindi impossible” Ako na yata ang pinaka huli sa batch ko sa 2010 na gagradute. Dahil sa napakaraming dahilan una na yung napilitan akong mag stop dahil nawalan ako na trabaho. Noong pinag sabay ko yung pag aaral ko at pag tatrabaho bilang gasoline boy kaya nag stop ako ng halos tatlong taon.

“Nag hanap ulit ako ng pag kakakitaan para makaipon naging merchandiser at factory worker sa tatlong ibat ibang factory para makapag aral uli . Nung nakapag aral naman uli nakaranas naman ng bagsak sa ibat- ibang subject. Gusto ko nang sumuko nun pero para bang hinnihila ako palagi ng mga paa ko para mag aaral sa kursong gustong- gusto ko ang architecture.



“Hindi kami mayaman hindi ako matalino hindi ako proud na umabot ako ng 8 and half year sa college pero ang tanging maipag mamalaki ko lang ay yung hindi ako sumuyko sa hamon ng buhay. Naalala ko panuon na lagi kong tinatanung ang sarili ko kapag nahihirapa na ko, tama pa ba o tama na, madalas sakto lang yung pera ko sa pamasahe pag papasok na ako ng school minsan nagugutang pa yung magulang ko para lang makapasok ako, buti nalang naging libre yung tuition kahit papaano kinaya akong suportahan ng magulang ko.

“Minsan nahihiya rin ako kasi ako na yung pinaka matanda sa mga kaklase ko pero hindi ko nalang pinansin kasi sa edad na 31 nakagradute na din ako. Nakaka intimidate din minsan na mas matanda ka pa sa prof. mo minsan ka batch mo pa sila.

Trust the process minsan kailangan mo talagang pag daanan lahat ng hirap at pasakit para patatagin ka ng buhay. Hindi madali pero hindi imposible kapit ka lang para sa pangarap mo lagi mo lang iisipin kung bakit mo ginagawa lahat ng yan kapag napang hihinaan ka na. Lagi ko lang tinitignan yung bahay namin pag gusto ko nang sumoko lagi kong iniisip na gusto kong makaranas ng may maayos na bahay yung hindi kayo nababasa pag umuulan hindi sobrang init pag tag araw yung sarili nyo na yung lupa. Mag tiwala ka lang saDiyos at magugulat ka na lang nakamit mo na pala yung mga pangarap mo.

“Tuloy mo lang yung pangarap mo kahit nahihirapan ka na kahit pagod na pagod ka na kasi worth it yan ipaglaban.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento