Ad Code

Guro, naantig sa tatlong estudyante na naghahati-hati sa kakarampot na ulam maitawid lang ang gutom



Ang pagiging estudyante ay isa sa pinaka hindi natin makakalimutang pangyayari sa ating buhay. Marami tayong karanasan na talaga namang tatatak sa ating isip hanggang sa ating pagtanda.


Bukod sa mga kalokohan at kasiyahan natin sa eskwelahan, nandyan din ang paghihirap at pagtitiis lalo na kung kapos sa pera ang itong pamilya. Kaya naman nakakabilib ang mga kabataang nagpupursige pa rin sa pag-aaral sa kabila ng kanilang kahirapan.

Samantala, mabilis na nag-viral sa social media ang kwento ng isang guro mula Kauswagan National High School sa bayan ng Trinidad, Bohol matapos makita ang 3 sa kanyang mga estudyante na nagsasalo-salo ng kanilang pananghalian na baong pagkain nitong nakaraang Miyerkules, Setyembre 6. Sa Facebook post ni Barry Anthony Cajes, nakita niya ang 3 estudyante na kumakain ng pananghalian sa labas ng kanyang bintana.

“After eating my lunch, I decide na maupo malapit sa may bintana, umaasang makasagap man lang ng signal,” sabi ng guro.



Ang mga estudyanteng ito ay sina Ruel at Rayven, kapwang Grade 8 students, at ang kapatid ni Ruel na si Reyjie, na isang Grade 9 student.

“To my surprise, ito ang aking nakita. Our students eating their lunch. Ang dalawa nag share ng food, they don’t have much food, maraming rice, kaunti lang ang ulam”. Natuwa lang ako sa kanila kasi habang kinakain nila yung tanghalian nila, they were enjoying it. Magkaharap ung magkapatid kasi isang lunch box lang [ang dala nila],”

“Doon ako medyo naantig sa part na ung ulam nila ay maliit na hotdog at gulay na nilagyan lamang ng harina. Pero kahit ganun pa man, nakitaan ko pa rin sila ng kasiyahan,” dagdag ng guro. Dahil sa kanyang nasaksihan, napagtanto ni Cajes na tayo ang nagpapasya o gumagawa ng magagandang kaganapan sa ating buhay.

“Life may not be fair, most of the time others will say its unfair. Seeing them enjoying their lunch, I said to myself: It’s us who is incharge of creating best memories., its us who will create our happiness and its a matter of how we deal with the situation.” Dahil dito, naantig ang guro at ibinahagi sa social media ang kanilang kwento.

“Whatever the circumstances [are], choose happiness over sadness, and positivity over negativity. After all, life is worth living,” sabi ng guro. Sa isang larawan ay makikitang tila nakatanggap ng relief goods ang tatlong estudyante.



Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento