Ad Code

Bulag na babae, nakapagtapos bilang Summa Cum Laude at Magna Cum Laude sa dalawang mga kurso


Hindi biro ang magtapos ng pag-aaral lalo na sa kolehiyo. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na talagang maraming gastusin ang kakailanganin bago makapagtapos ng kolehiyo sa bansa.


Photo credit: The Daily Sentry

Hindi lahat ng mga Pilipino ay nabibigyan ng pagkakataon na makapagtapos ng kursong nais nila kung kaya naman hangga’t maaari ay nagsusumikap talaga ang bawat isa na makapagtapos ng kolehiyo. Kahit ang ibig sabihin nito ay magtatrabaho at mag-aaral sila ng magkasabay o di kaya naman ay kakailanganin nilang kumuha ang iskolarsyip.


Photo credit: The Daily Sentry

Kamakailan lamang ay marami ang bumilib kay Minnie Aveline Juan dahil sa kabila ng kaniyang kapansanan ay nagawa niyang makapagtapos ng dalawang kurso sa kolehiyo. Ang mas nakakamangha pa rito ay nagtapos siya ng Summa Cum Laude at Magna Cum Laude sa magkaibang kurso.


Photo credit: The Daily Sentry

Isinilang siyang bulag ngunit hindi ito naging balakid upang maging proud sa kaniya ang kaniyang mga magulang na sina Dr. Angelo Juan at Dr. Maria Lilia Juan. Sinong mag-aakala na mag-uuwi siya ng karangalan nang siya ay magtapos ng elementarya at hayskul?

Hindi pa rito nagtatapos ang lahat dahil sa nagawa rin niyang magtapos ng kursong “Bachelor of Arts in English” bilang magna cum laude. Matapos niyang magtagumpay sa kursong ito ay hindi siya huminto sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap dahil sa nagtapos naman siya ng kursong Bachelor of Elementary Education major in Special Education sa Virgen Milagrosa University sa San Carlos, Pangasinan.


Photo credit: The Daily Sentry

Tunay nga na hindi hadlang ang kahit ano mang kakulangan niya o kapansanan upang maging inspirasyon siya sa publiko at magawa ang nais niya sa buhay. Hindi lamang para sa sarili niyang tagumpay kundi maging sa pagnanais niyang tumulong sa ibang tao lalo na sa mga mayroong espesyal na pangangailangan.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento