Ad Code

Basurera Noon, Nakapagtapos na ng Pag-aaral Ngayon sa Australia!



May mga dumarating talaga sa buhay natin na minsan ay hindi natin inaasahang mangyayari. Katulad na lamang ng kuwento ng isang babae na simula bata pa lamang ay nagtatrabaho na sa pamamagitan ng pangangalakal ng mga basura. Sino ang mag-aakala na na ang noong batang paslit na namamasura sa kalye ay makakapag-aral sa ibang bansa at makakatanggap ng full-scholarship?



Sa hiråp ng buhay natin ngayon ay marami sa mga kabataan ang hindi nakakapag-aral kaya naman, karamihan sa kanila ay napipilitan na lamang maghanapbuhay para makatulong na sa magulang sa murå nila edad.

Kilalanin si Sophy Ron na nakaranas ng matinding kahiråpan kaya nasubukang magtrabaho sa murång edad sa pangangalakal ng mga basura. Napilitan siyang kumayod para mapaaral ang sarili at hindi naman siya nabig0.



Nakapagtapos siyabilang Valedictorian at nakatanggap ng full-scholarship sa University of Melbourne sa Australia. “I didn’t realie it was smelly, I didn’t realise it was dirty, I slept there, I ate there, I did everything there, so it became my home.” ayon kay Sophy

Nagsimula ang lahat ng mayroon lumapit sakanyang lalaki at tinanong siya kung nais ba nitong makapag-aral sa school. “He asked me whether I wanted to study English, and at that time I had no idea what English was, I ran home feeling happy because he promised he would take me to school.” kwento ni Sophy.

Tinulungan si Sophy ng Cambodian Children’s Fund o CCF upang magpatuloy sa pag-aaral kung kaya naman ginawa niya itong oportunidad upang makapag-tapos at maging isang valedictorian sa kanilang paaralan.



Sa kanyang naging speech sa pagtatapos ng pagaaral bilang isang valedictorian, kitang-kita ang pagiging matalino ni Sophy lalo na sa pagsasalita ng Ingles.Sa kabila ng lahat na kanyang natanggap na parangal, hindi pa rin nakakalimot si Sophy sa kanyang pinagmulan kaya nais nitong makasama ang mga kaibigan at pamilya bago tumungo sa susunod na kabanata ng kanyang pag-aaral sa Australia.

Kahanga-hanga ang naging kwento ng buhay ni Sophy at sana’y magtagumpay siya at marating nito ang kanyang pangarap sa buhay. Isa ito sa patunay na kahit na ano man ang hirap ng buhay na kinakaharap ng isang tao ay malalagpasan ito basta huwag lamang susuk0 sa mga hamon ng buhay.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento