Viral sa social media ang isang misis na OFW o Overseas Filipino Worker, na mula sa bansang kuwait, labis na nasorpresa sa kayang pag uwi matapos makita nito ang limpak-limpak na pera sa kanilang tahanan na naipon ng kanyang mister sa pamamagitan ng ipinapadala ng misis nito at sa sarili nilang sari-sari store.
Si Rodelyn ay nangibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang mga anak para na rin masuportahan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya,ngunit hindi niya inaakala na ang lahat ng ipinapadala niya sa kanyang asawa na si Rogelio Flores na naiwan niya na mag-alaga sa kanilang dalawang anak na nasa Agoo, La Union.iniipon umano ng kanyang mister at minsan pa ay dinaragdagan niya pa nito.
Ang kanyang mister na si Rogelio Flores ay iniipon pala ang lahat ng mga perang ipinapadala niya rito at minsan pa nga ay dinaragdagan pa ito ng mister kaya naman sa pag uwe ng misis na galing sa Kuwait ay bumungad sa kanya ang balde baldeng barya at limpak limpak na perang papel,ang perang naipon ng kanyang mister na si Rogelio Flores ay umabot lang naman sa halagang Php300,000.
Ayon kay Rogelio,“Ang ginawa ko para makatulong ako sa asawa ko, nagpursige akong mag-ipon. Lahat ng ipinapadala ng misis ko imbes na bawasan ko dinadagdagan ko pa kasi nga nag- store ako,”
Hindi naman makapaniwala ang misis dahil sa disiplina at diskarte ng kanyang mister ay nakapag-ipon ito ng malaking halaga.
Ayon naman kay Rodelyn,“Hindi ko lubos maisip na ganun yung maiipon niya kasi magkano lang naman yung sahod ko doon sa Kuwait saka sa Malaysia,”
Ang naipon nilang pera mag asawa na Umabot sa Halagang Php.300,000 pesos ay ginastos nila sa pagpapagawa ng kanilang bahay at pinambili rin nila ito ng kanilang sidecar at motorsiklo.
Naging inspirasyon ang kwento ng mag asawa na ito sa mga Netizen na kagaya ni Rodelyn na isang OFW na ganito rin sana ang lahat ng pamilyang naiiwan na mag ipon at ilaan sa tama at mahahalagang bagay ang perang pinaghihirapan ng taong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa.
Nang dahil sa ipinakitang aspeto at pagpapahalaga sa pera ng kanilang mga magulang natutunan din ng kanilang mga kamag anak ang kahulugan nito at ngayon ay tinataglay na rin nila ito at ang perang pinaghihirapan ng kanilang magulang ay kanilang pinahalagahan.
Napakahalaga sa buhay ang pag iipon o pagtatabi ng pera, para makamit ito ay iwasan natin ang mga bisyo at labis na paggastos sa mga materyal na bagay.
0 Mga Komento