Ad Code

Isang Ama na Mangingisda, Nakapagpatapos ng mga Anak sa Kolehiyo at Lahat ay Cum Laude



Wala nang mas hihigit pa sa saya ng isang ama na mapakapag-tapos ng pag-aaral ang mga anak. Isang malaking karangalan ito sa para kanila dahil sa hirĂ¥p at sakripisyo na ibinuhos nila sa maraming taon ay sa wakas, nakatapos na ang kaniyang mga anak. Tulad na lamang ng naramdaman ng isang ama na mangingisda.



Kinilalang si Tatay Ramil Montalbo ang amang mangingisda sa Iloilo na nagmula sa isang mahirap na pamilya. Ang kuwento ng buhay ni Tatay Ramil ay hindi naging madali. Noong siya ay bata pa lamang ay nais niyang makapagtapos ng pag-aaral at ang kursong kukuhanin niya sana ay ang pagiging sundalo.



Ngunit dahil sa kahirapan ng kanyang pamilya, hindi niya ito naabot. Tutol ang kanyang ama sa nais ni Tatay Ramil dahil nahahati ang perang kinikita niya sa gastusin sa bahay at sa gastusin niya sa paaralan. Madalas ang mag-ama na magtalo dahil dito. Kaya naman, kinalaunan ay napagdesisyunan na rin ni Tatay Ramil na sundin ang kanyang ama na huminto na sa pag-aaral at tumulong na sa pamilya.



Nang magkaroon siya ng sariling pamilya ay ipinangako niya sa kanyang sarili na pag-aaralin niya ang kanyang mga anak at hindi niya ito ipagkakait gaya ng ginawa ng kanyang ama noon.



Kahit na mahirap ay pinursige niyang pag-aralin ang lahat ng kanyang anak. Pangingisda ang ikinabubuhay ni Tatay Ramil kaya nag-doble siya ng sikap para mapagtapos ang mga anak. Hindi naman siya binigo ng mga anak niya dahil nakapagtapos silang lahat sa kolehiyo at hindi lamang iyon, lahat sila ay nakapagtapos bilang Cum Laude.



Doble ang kaligayan ni Tatay Ramil dahil kahit na hindi siya nakapag-aral noon, natupad naman niya ang pangarap niya sa kanyang mga anak. Maswerte ang mga anak ni Tatay Ramil dahil siya ang naging ama nila. Isang masikap at mapagmahal sa kanyang mga anak si Tatay Ramil.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento