Hanggang saan aabot ang ipon mo? Mapapa-WOW! at SANA ALL! ka talaga sa isang netizen na nagbahagi ng kanyang #IponChallenge at ang halaga ng kanyang naipon sa loob ng isang taon.
Masasabing hindi basta-basta ang pag-iipon lalo na kapag walang disiplina sa pag-gastos ng pera at nariyan ang napakaraming mga temtasyon kagaya ng mga online shopping, at iba pa. Ngunit para sa netizen na 26 taong gulang na si Cathlyn Mariano, walang imposible, at kayang-kaya na mapagtagumpayan ang ipon challenge.
“Kada sweldo ko nagse-set na ako ng percent na ibubukod ko po sa salary. Hindi ko po dapat galawin. Dapat ise-save sa alkansya,” banggit nito. Si Cathlyn ay isang guro sa Nueva Ecija. Sinisiguro nya muna na nauuna nyang lagyan ng pera ang kanyang alkansya bago pa man ito gumastos.
Nakalaan na sana umano na buksan ni Cathlyn ang alkansya noong Setyembre, ngunit nainspire ito na ipagpatuloy ang pag-iipon, kaya naman ay sumobra pa sa Php60, 000. 00 na target savings ang kanyang naipon. Noong binuksan na ni Cathlyn ang kanyang alkansya ay umabot sa Php100, 290.00 ang halaga ng kanyang naipon. Kasama ang kanyang kinita sa E-loading at printing Services, umabot pa sa Php106, 155.00 ang lahat ng kanyang naipon.
“Gusto ko po siya i-invest sa isang negosyo or sa mga mutual funds so pinag-iisipan ko po saan ko po siya gagamitin para lumago po siya, para makaipon po ako for the future,” wika nito tungkol sa kung saan nya gagamitin ang perang naipon.
Lumaki umano sa mahirap lamang na pamilya si Cathlyn kaya’t alam nya ang pakiramdam kung paano ang mawalan ng perang pang-gastos, kaya naman mas lalo itong naging motivated sa kanyang #iponchallenge.
“Ang masasabi ko lang po lalo na sa mga kabataan, ma-realize nila ’yung kahalagahan ng pag-iipon. ’Yung pagtitipid n’yo po makakabigay ginhawa pagdating ng panahon,” sabi nito.
Tunay ngang mahusay at kahanga-hanga ito lalong-lalo na sa kabataan upang sila ay maengganyo sa kahalagahan ng pag-iipon
0 Mga Komento