Isang estudyante ang isang buwan ng nasa ospital dahil sa natamong pinsala sa kanyang ulo matapos batohin ng scotch tape ng kanyang guro.
Isang buwan ng pabalik balik sa ospital ang grade 12 student mula sa Dadiangas North High School sa General Santos City dahil palagi itong nahihilo at mukhang mas may iniindang malalang sintomas.
Kinilala ang guro na si Christina BritaƱa na hindi umano napigilan ang sarili na batuhin ng isang rolyo ng scotch tape ang 19-anyos na estudyante dahil sa sobrang pagiging pasaway nito.
Hindi naman inaasahan na sa mismong ulo ng estudyante tatama ang scotch tape.
Makikita sa isang video na agad na nahilo ang estudyante dahil sa matigas na bagay na tumama sa kanyang ulo.
Ayon sa mga doktor ay kinakailangan na ma-operahan ang estudyante dahil sa namumuong dugo sa kanyang utak.
Nagtulong tulong naman ang ilang mga guro ng nasabing paaralan upang makalikom ng pondo para sa pagpapagamot ng pobreng estudyante.
Samantala, kasalukuyan ng iniimbestigahan ng Department of Education (DepEd) ang nangyaring insidente.
Maaari umanong mawalan ng lisensya sa pagtuturo ang nasabing guro kapag napatunayan na may ginawa ginawa nga itong masama sa gitna ng kanyang pagtuturo.
0 Mga Komento