Isang matandang tindero ng ice cream ang binayaran ng pekeng pera sa Davao City, ibinayad daw sa kaniya ang pekeng 1,000 pesos matapos itong bumili ng nagkakahalaga ng 300 pesos na itinitinda niyang ice cream.
Ito ay ayon sa ulat ng Unang Balita mula sa GMA Regional TV One Mindanao nito lamang Huwebes.
Si Tatay Dionisio Amok ang matandang tindero ng ice cream na nabayaran ng pekeng pera habang siya ay nagtitinda sa Davao City, ayon sa kaibigan nito isang binata raw ang bumili kay Tatay Dionisio ng ice cream na nagkakahalaga ng 300 pesos, nag abot daw ito ng bayad na 1,000 piso at agad naman nasuklian ni tatay ng 700 pesos.
Nang ire-remit na daw niya ang kaniyang mga napagbentahan, doon pa lamang niya napansin na peke pala ang ibinayad sa kaniya ng isa niyang customer.
Agad ding nag viral ang video ni Tatay Dionisio Amok. at maraming mga netizen ang tumulong sa matandang nagtitinda ng ice cream.
Ayon naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP, para hindi maloko o makakuha ng mga pekeng pera ay kailangang gamitin ang ''feel, look, at tilt method'', dahil mayroong mga inilagay na iba't ibang pananda o features ang mga perang papel ang BSP, upang madali mo ring malaman kung totoo nga ba o peke ang hawak mong perang papel.
Kung makakakuha man o makakatanggap ng pekeng perang papel ay agad agad itong i-report, upang mahuli ang mga pasimuno o gumagawa ng mga pekeng pera at mga nagpapakalat pa nito sa lugar.
0 Mga Komento