Nagbabala ang isang netizen sa pag-gamit ng stove na gawa sa salamin o Glass Stove, dahil maari itong maka-aksidente, sa sobrang dami at tagal ng pagluluto ng mga pagkain ay naiipon ang init sa salamin, na magiging sanhi ng pagkabasag nito at tumalsik ang mga parte nito sa paligid ng bahay.
Ang pagkakaroon ng maayos at ligtas na lutuan sa bahay ay napakaimportante dahil kung hindi maaaring pagmulan ito ng sunog at kung ano pang pangyayari. Dapat ay laging tinitiyak na walang leak, butas, o sira ang mga kagamitang ito maging ang kanilang mga spare parts sa loob upang masigurado na ito ay safe gamitin.
Isang netizen na nakilala bilang Mutya Javier ang nagbahagi ng isang nakaka-alarmang pangyayari tungkol sa pagkabasag ng kanilang glass top na stove.
Dahil sa pangyayaring ito, nagbigay siya ng babala sa publiko na mag-ingat sa paggamit ng ganitong klaseng lutuan, hangga’t maari ay huwag na itong bilhin.
Narito ang kanyang mismong post
”Kanina habang nagiinit ng tubig si nanay bigla na lang pumutok ang kalan reason kung bakit nagkabasag basag ang glass top ng kalan. Mabuti na lang wala si nanay sa harap ng kalan. Thank God! Hindi namin alam kung bakit nagkaganon.”
”Hindi naman daw umapoy ng malaki yung kalan, basta na lamang may narinig kami pumutok tapos yan na yung nakita namin. Hindi kaya masyado na gamit na gamit yung kalan? Lalo na kahapon maghapon naka-on dahil sa dami ng niluto? (Fiesta) I’m not sure pero 4 years na rin kase namin gamit to, ngayon lang namin naexperience to. Maayos naman ang connection ng hose.”
”Nakakatako! Hindi rin pala safe to.”
I’m posting this foor your info na ganitong klase ang gamit na stove. Ingat ingat po. Be safe everyone!
By the way sa mga nagtatanong, KYOWA po ang brand ng kalan.”
Makikita sa larawan ang mga bubog sa nabasag na kalan at tanging metal frame ng stove na lamang ang natira. Hindi rin matukoy ng netizen kung ano ba ang talagang sanhi ng pagputok at pagkabasag ng kanilang kalan.
Ngunit ayon sa isang netizen, dapat ang mga ganitong klaseng kitchen appliances ay heatproof. Maaaring mababang kalidad ang ginamit na glass para rito o di kaya ay may defect talaga ang mismong produkto kaya ganito ang sinapit.
Kaya naman para sa publiko ay dagdag ingat lamang at tiyaking ligtas ang lahat ng mga appliances na ginagamit sa bahay.
0 Mga Komento