Ad Code

Pinagmumura at Nilait Pa ng Lalaking Customer ang Isang Manager ng Fast Food Restaurant



Sinigaw sigawan, nilait at pinagmumura ng isang lalaki na naka kotse ang isang manager ng isang kilalang fast food restaurant sa bansa, naganap ito sa Pasong Tamo sa Makati City, habang nakapila ito sa Drive Thru Section ay makikita sa video na galit na galit ang lalaking customer sa mga crew ng restaurant.




Nag viral agad sa social media ang in upload na video tungkol sa galit na lalaking customer na ito, nagalit daw ito ng paabantehin na siya upang hintayin ang kaniyang order sa ibang pwesto, at nang ma accomodate pa niya ang mga order ng iba pang mga nakapilang customer, dito na pinaulanan ng mura at pagpipintas ng lalaki ang manager ng restaurant.




Nag order daw ang lalaking ito ng pitong cheese burger at naabisuhan naman daw ito na may 7mins na waiting time kaya naman nagulat daw sila ng bigla na lamang itong nag aalburoto sa galit at nagmumura.




Maayos naman ang pagpapaliwanang niya ngunit hindi pa rin ito matanggap ng lalaki. Hiningi pa ng lalaki ang buong pangalan nh manager ngunit dahil sa data privacy act ay hindi niya maaring ibigay ang kanyang pangalan at numero.



Marami ang nabilib sa manager ng fast food restaurant, dahil sa kanyang mahabang pasensya. Samantala maraming mga netizen ang galit ngayon sa lalaki.



Ayon sa pahayag ng Mc Donald Philippines ay hindi nila tinotolerate ang mapang abusong trato ng mga customer sa kanilang mga empleyado, suportado rin nila ang manager at handa silang tumulong dito kung kinakailangan. nakikiusap din ang kumpanya na itrato ng tama ang mga crew, manager at iba pang employee na nagtatrabaho lamang ng tapat.




Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento