Isang malaking istatwa na matatagpuan sa isang camping site sa Misamis Oriental ang pinaniniwalaang nagbibigay ng himala para sa mga babaeng nahihirapang mabuntis.
Ayon sa ilang babaeng nagbigay ng testimonya, nang magtungo at humawak sila sa istatwa ay milagrong nabuntis sila. Sa tagal nilang paghihintay na magkaroon ng anak ay nabiyayaan din sila.
"Sabi ng doktor na may PCOS at endometriosis ako. Ang sabi kapag may ganito raw, mahihirapan na talagang magbuntis. Na-stress ako. 'Yung mga classmate ko, mga pinsan ko kasi, may mga anak na. Parang nakakainggit na may mga baby na sila
Hanggang sa sinubukan namin pumunta doon sa fertility corner. Humawak-hawak po ako doon sa statue.
"Nag-pray po ako nang mataimtim kasi sabi nila nagmimilagro daw. 'Sana bigyan po kami ng baby.' Hanggang sa nabuntis na po ako! Milagro talaga, kasi ilang taon na kaming nagta-try magbuntis!" ani nina Daisy at Russel.
"Nung unang beses, tawang-tawa lang kami. 'Wow, ang laki!' Sabi ng isang kasamahan ko, 'Hala! Baka masundan 'yung anak mo'. Kasi nga fertility corner.
Pagkatapos ng one week, nakaramdam ako ng pagkahilo Hindi na rin ako dinatnan ng regla. Nabuntis ako!" kuwento naman ni Anya.
0 Mga Komento