Sa mga nakakalungkot na mga nangyayari ngayon at sa mga samo't saring problemang pinagdadaanan ng lahat, dito mo mabibigyang pansin ang kahalagahan ng pag-iipon. Maliit man o malaki ang naitatabi, ang importante ay may ipong mapagkukuhanan sa tuwing may hindi inaasahang pangyayari at hindi sa pagkabaon sa pangungutang ang takbo.
Tulad nalang ng isang kakapulutan ng inspirasyon ang kwento ni Gerdan Tolero, 22 anyos mula Tondo Manila na humugot ng lakas ng loob at inspirasyon mula sa malaking trahedya na sumubok sa katatagan ng kanilang pamilya.
Isa ang kanilang bahay na natupok at nilamon ng malaking apoy nang magkasunog sa kanilang lugar at ang tanging natira lamang sa kanilang mga naipundar na mga gamit ay ang kanyang itinabing alkansya at umabot ang laman nito ng P1000.
Kahit pa sa nakakapanlumong trahedya, nagbukas pa ito sa kanya ng pagkakataon upang palaguin ang pinakahuhuling pera meron sila. Isa umano sa pangangailangan ng mga taong biktima rin ng sunog ay ang mga imbakan ng tubig para sa mga ibinibigay na rasyon ng tubig sa kanila, kaya ipinang-kapital niya ang isang-libong ipon para ibili ng mga nagamit na na mga drums mula sa mga bakeries.
“Ubos lahat ng gamit namin. Ang natira lang yung isang alkansya ko na puno ng barya. Binasag namin, umabot ng halos 1,000 pesos. Mahilig na talaga akong mag-ipon noon,” saad niya ni Gerdan
“Sa akin ang nasa isip ko, opportunity ito. Nung mga panahon na yun, nakita ko sa lugar namin problemado mga tao kasi kulang sila sa drum. Scheduled kasi ang tubig sa amin kaya nagkakaproblema mga tao mag-ipon ng tubig. Binibili ko siya 100 pesos kada drum tapos tutubuan ko para kumita.,”
Nakapag-ipon si Gerdan ng kaunti at napagdesisyunan niyang bumili ng gamit na na sidecar saka niya ito pinaayos upang gamitin sa pagtitinda ng gulaman.
"Hanggang isang araw nakakita ako ng sirang sidecar. Binili ko, pinaayos ko tapos doon ko sinimulan naman yung magbenta ng gulaman,”
Sa kanyang kakaibang pagpupursige sa buhay, naging mabenta at lumago ang kanyang sinimulang negosyo na gulaman at nakapagdagdag pa ng tatlo pang sidecar at nakapagbigay pa siya ng trabaho para sa magbebenta at hahawak nito.
“May tatlong tao na ako na nagbebenta ng gulaman pero imbes na hayaan ko sila ang magbenta, opportunity na naman yung nakita ko kasi nagpagawa ako ng kariton sa stepfather ko dahil naisip ko, magbenta naman ng isda,’
“8 p.m. nasa Navotas fishport na ako bibili ng isda. Uuwi na ako mga 1 a.m. tapos gising ulit 3:30 a.m. para ilako mga isda sa mga suki ko, karamihan sa kanila carinderia,”
Noon pa man sinimulan niya na ulit ang pag-iipon kahit sa pabarya-barya mula sa kanyang mga kita sa pagugulaman at paglalako ng isda. Nang makita niya ang isang malaking drum, naisipan niyang itabi lahat ng mga binabayad sa kanya na tig-bebente at iniisip na wala itong halaga kaya deretso ito sa ipon.
Hanggang sa napuno niya na ang 2-balde na puro barya at ang isang drum na puro bente ang laman.
“Ang ginawa ko, lahat ng 20 pesos na kita ko sa gulaman at isda, parang inisip ko walang halaga kaya ipinapasok ko lang lahat dun sa drum,”
“Natakot kasi ako baka nabulok na yung iba kaya binuksan ko na. Tapos binilang at inayos ko. Hindi ko naman alam na ipo-post ng mother ko yung pictures na yun,”
Kahit sunod-sunod na dagok sa buhay ang sumubok sa kanilang pamilya, imbes na malugmok sa problema dito siya humuhugot ng inspirasyon aat opurtunidad upang kumita.
Ngayon ang gusto ko sana magnegosyo ng Pisonet kasi marami din dito mga bata naghahanap ng internet. Hindi ko pa lang alam talaga paano simulan,
“Mayroon naman dumating na ayuda pero kulang pa din. Kaysa i-asa namin doon, yun nga, tingin ko sa mga ganiyan opportunity talaga na mag-isip ng paraan para makaahon sa mga problema,”
Labis naman ang paghanga at pasasalamat ng Ina ni Gerdan na si Gemma Tolero sa pinapakitang kasipagan at pagpupursige sa buhay na kahit pa minsan at nakikita na nilang napapagod at nagkakasakit na ay patuloy parin sa paglalako ng isda.
“Anak nagtagumpay ka sa iyong tiyaga at kahit pa bagyo man o mainit, kahit lockdown at kahit masama pakiramdam mo lulusong ka parin sa fishport para may pangtinda ka. Madaling araw pa lang umaalis ka na. Salamat anak tagumpay ang diskarte mo sa buhay,” aniya.
0 Mga Komento