"I will encourage them to come to the DSWD, we will help them out. We will write letters. Kung hindi, we will file cases against the father of the children para mag-sustento (to give child support) because it is under the batas ngayon," sabi ni Kalihim Tulfo
"Marami pong hindi nakakaalam, akala nila dahil hindi sila kasal pero andun yung pangalan sa birth certificate ay libre sila. Mali po yun. You have to pay o ika nga sustentuhan mo yung anak kahit di kayo kasal o kahit na-impregnate mo lang ' yung babae pero andun sa birth certificate yung name mo. You have to pay ika nga sustento to your child," dagdag ni Tulfo. Ang Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 ay nagsakriminal sa “pag-alis o pagbabanta na bawian ang babae o ang kanyang mga anak ng suportang pinansyal na legal na dulot ng kanyang pamilya, o sadyang pagbibigay sa mga anak ng babae ng hindi sapat na suportang pinansyal.
Ayon kay Tulfo, karapatan ng mga single mom na makakuha ng sustento kaya sila ay tutulungan silang makakuha ng tulong.
Binigyang-diin pa ng kalihim na ire-refer nila ang bawat kaso sa nararapat na ahensya ng gobyerno habang sila ay magbibigay ng tulong sa bawat complainant. Bukod sa alimony, tutulong din ang DSWD sa isyu ng child custody.
0 Mga Komento