Ad Code

Single mom na online seller, napalago ang puhunang PHP3,500 sa PHP3.4 million


Di sukat akalain ni Vannerie Picar na kikita siya ng PHP3.4 million sa online selling. Noong January 8, 2022, nag-post si Vannerie sa Facebook na pakiramdam niya ay hindi totoo ang mga nagaganap sa kanyang buhay.

Sabi niya sa kanyang post: “Na-o-overwhelm po ako and I have no words to express how I feel.” Ininterview siya ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) para sa Ja., kung saan na-feature ang success story ni Vannerie.


Gamit ang puhunang PHP3,500, nag-umpisa si Vannerie na magbenta ng beauty products online. Ngayon ay kumita na siya ng tumataginting na PHP3.4 million.

Isang dating guro, napilitan si Vannerie na mag-resign sa pagtuturo nang magkaroon siya ng delicate pregnancy noong 2018.

Lalong naging masalimuot ang pinagdaanan ni Vannerie nang lokohin siya ng lalaking nakabuntis sa kanya. Pagbabahagi ni Vannerie sa panayam ng KMJS, “Habang buntis ako, muntik nang mamatay yung baby ko.
“Nung iniluwal ko naman siya, pahirapan ang paghingi ng sustento at suporta kaya pinilit kong tumayo sa sarili kong paa. “Bilang single mom, isa kasi sa mga struggle namin yung panghihingi ng sustento, ng supporta.

“Gusto kong iangat ang image naming mga single moms na kaya namin. Kaya naming umangat.” Nagtrabaho siyang muli bilang call center agent, pero hindi sapat ang kanyang suweldo para sa kanilang mag-ina.

Naisipan niyang pasukin ang online selling. Ang hawak lang niyang puhunan noon ay PHP3,500. Kuwento niya, “Dahil madaming gusto magpaganda, skin care yung tingin kong puwede mabenta.

“Nagsimula akong maghanap ng supplier, kaso meron silang minimum requirement na halagang 7,500.” Dahil kulang ang hawak niyang pera, naghanap siya ng distributor. “After one to two days ay nakahanap naman ako. Pumayag siya na kahit 3,500 lang ay magsimula na ako.”
Gaya ng ibang sellers, marami ring pagsubok na naranasan sa pinasok na negosyo si Vannerie. Nagkaroon siya ng mga bogus buyers. Aniya, “Minsan kasi may mga customers na wala palang ready na pambayad. Minsan nagti-trip lang silang umorder.”

Naiiyak niyang sambit, "Noong una, medyo masakit sa akin kasi pagbalik sa iyo, sira na. 'Tapos di mo na magagamit, di mo na maititinda.” Na-frustrate siya at inisip na mag-quit na lang.

“Sabi ko noon, tumigil na kaya ako?” Isang marketing strategy ang naisip niya—ang ipakita kung gaano kaepektibo ang mga tinda niyang produkto.

Ginamit niya mismo ang mga beauty products, at saka gumawa ng mga before-and-after videos. Kaya nakita mismo ng mga interesadong bumili na ang dating magaspang na bahagi ng mukha niya ay naging flawless, at ang maitim ay pumuti.

Doon na nagsimulang tangkilikin ng maraming customers ang kanyang mga tindang beauty products.
"Hindi ko inaakala na mararating ko yung PHP3.4 million na total purchases ko. Noong nakita ko iyon sa TikTok region, iyak nang iyak talaga ako.
“Nag-flashback lahat ng hirap na pinagdaanan ko bilang ina, bilang worker, bilang online seller, bilang isang anak." Sa isa niyang post ay ipinaliwanag ni Vannerie na ang PHP 3.4 million ay total purchases sa buong taon.

Dagdag pa niya, “And also parang gross sale. Hindi siya yung tinubo mo mismo. “So, yes, I am not yet a millionaire po. Clear ko lang sa mga di nakapanood. Marami kasing nagwa-warning sa mama ko na baka mapaano daw kami. Baka makidnap etcetera.

“Request ko lang po, maging masaya na lang po tayo sa segment kasi ang goal po namin ay ma-share ang struggles and wins ng mga single parent. "At kahit anong pagsubok ay huwag tayong susuko."

Kailangan umano niyang magpaliwanag para huwag na siyang makatanggap ng mga negatibong mensahe, at para hindi na mag-alala ang kanyang ina.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento