Viral ngayon sa social media ang isang hindi makakalimutang tagpo na naganap sa isang graduation ceremony sa Labuan Elementary School sa Zamboanga City kung saan, libo-libong netizens ang naantig at humanga sa isang lalakeng estudyante at guro ng nasabing eskwelahan.
Kinilala ang mga bida bilang sina Rey Paul Daval at Christian Carpio.Ayon sa Facebook post ng naka-saksing si Teacher Vanessa, hindi raw nag atubili ang guro na si Christian Carpio, na ipahiram ang kanyang sapatos sa kawawang estudyante na si Rey Paul Daval.
Nakita ni Sir Carpio na sira-sira ang sapatos ng estudyante habang ito ay nakapila upang umakyat sa entablado. Kaya naman mababatid sa mga larawan na hinubad agad nito ang suot at nakipag palit sa ga-graduate na si Rey Paul.
Isa sa mga pinaka mahahalagang parte ng ating buhay ang pagtatapos sa pag-aaral at sadyang namang napakasikip sa dibdib, kung maaalala mo ang pangyayaring ito na suot mo ang iyong lumang sapatos na puno ng 'scotch tape'.
Bagay na hindi naman hinayaang mangyari ng titser na si Sir Carpio sa estudyanteng si Daval. Inulan ng paghanga ang kabayanihang ginawa ng guro di lamang sa kanilang siyudad kundi maging sa buong bansa.
"Kinukuwento ko ito hindi upang mag-malaki, bagkus upang sila nitong guro sa kwento ng Mindanao Voices ay pamarisan --- lalo na noong mas may mga kakayahan sa buhay," Ani Sir Carpio.
Napag-alaman din na bukod kay Rey Paul ay may isa pang mag-aaral na sinapit ang kaparehong pangyayari sa mga oras na yun. Isa raw nagngangalang Teacher Doris ang tumulong sa dalawang ito at naglagay ng scotch tape upang maremedyohan ang sapatos ni Rey Paul.
The fact is , there is this someone who helped save the day. (thumbs up icon)"Yung napaluha ka dahil sa harap mo mismo nangyari ang hindi mo inaasahan"
"Big salute to you Sir CHRISTIAN CARPIO! sa pagbigay ng iyong sapatos sa isang mag-aaral na lalaki na si Rey Paul O. Daval na aakyat na sana sa entablado suot ang kanyang mga sapatos na nakapulupot ng scotch tape. (sad emoticon)"
"Not to forget also Teacher Doris Jade DJhade HablerPercalin Tagnawa sa extra effort na lagyan ng scotch tape ang sapatos ng mag-aaral na ito at maging sa isa pang mag-aaral na babae na pareho din ang nangyari sa mga oras na yun. Maging kay teacher Vanessa sa unang nagpost via fb hanggang sa naging viral . You teachers really did an amazing job!GOD USED YOU AS INSTRUMENTS TO REMIND US ONCE AGAIN OF HIS UNFATHOMABLE KINDNESS AND MERCY AMIDST PANDEMIC." - Jocelyn Valeriano
0 Mga Komento