Tulung-tulong sa pagkuha ng mga basura at water hyacinth ang grupo ng mga estero ranger ng DENR. Kaya sa mga bibisita sa Manila Bay Dolomite Beach, maging responsable sa pagtatapon ng inyong mga basura at siguraduhing mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran.
Ginagawa nila ito upang mapanatiling malinis ang kabuoang bahagi ng Manila Bay Dolomite Beach. sinugurado rin ng grupo ng Estero Ranger na malinis ang lahat nang nasa palagid bago nila ito lisanin.
Maraming netizen naman ang humanga sa kasipagan at dedikasyon ng mga Estero Ranger sa pagpapanatiling malinis ng Manila Bay Dolimite Beach.
May ilang netizen naman ang patuloy paring tumataligsa sa ginagawang ito ng Gobyerno aniya ng iilang netizen ay malaking halaga ang inubos rito ng gobyerno, imbis na sana'y itulong sa mahihirap ay dito pa inilaan ang pondo.
Bagaman maraming kontrobersyal ang nangyari sa pagpapagawa ng Dolomite Beach sa Manila Bay, ay maraming netizen naman ang naging positibo na magiging tourist aktraksyon ito sa marami hindi lamang sa mga local na tourista kung'di maging sa mga Dayuhang tourista.
0 Mga Komento