Pero sa kabila ng pagiging abala sa show business, may balak ba na pumasok si Rufa sa pulitika? Ito ang isa sa mga tanong ng TV host at aktres na si Toni Gonzaga sa kanyang panayam kay Rufa.
Agad naman itong sinagot ng komedyante, "Hindi ko sinasabing hindi pero kung walang-wala na. "Hindi, kung walang-wala na talagang maaasahan syempre mahal ko din naman ang tao," paglilinaw niya.
Nang tanungin naman si Rufa kung saang parte ng gobyerno niya gustong tumakbo, ay agad niyang sinabi na sa senado.
Aniya, "Senate nga e, buong Pilipinas, todo na 'to." Ibinahagi rin ni Rufa ang batas na nais niyang isulong, sakali man na maging isa siyang senador.
Aniya, "Magkakaroon ako ng batas ng gatasan, lahat ng gatas, ipamimigay ko."Yes, free milk for everyone and more, more buko juice and honey," masayang sinabi ni Rufa.
Samantala, kilalanin naman ang mga celebrities na tumakbo at nanalo ngayong eleksyon 2022 sa gallery na ito.
At dito na raw balak pumasok ni Rufa Mae Quinto.Yup, seryoso ang sexy comedienne nang sabihin niya sa kaharap na entertainment media ang tungkol sa pagpasok niya sa pulitika.
No other elective post kundi senador. Aniya, nakuha niya ang inspirasyon nu’ng nakaraang kampanya.
She campaigned for Uniteam at kay Senator Manny Pacquiao. Pero titiyakin daw niya muna kung kaninong ticket o partido siya aanib. Under the new administration, puwede rin daw si Rufa Mae na maging bahagi ng gabinete.
Either tourism o DILG raw ang kagawaran na puwede siyang mapakinabangan. Kunsabagay, libre lang ang mangarap. Ronnie Carrasco III
0 Mga Komento