Ad Code

Isang security guard na matiyagang tinuturuan ng pagbasa at pagsulat ang mga batang kalye



Masasabi nga naman natin na marami pa rin ang mabubuting tao sa panahon ngayon, ito ay matapos mag-viral ang larawan ng isang security guard habang abala sa pagtuturo sa isang batang kalye kahit pa nga ba duty siya sa kanyang trabaho.



Makikita sa isang larawan na nag-viral online ang isang security guard na kahit naka-yuniporme at halatang nasa oras ng trabaho ay matiyagang tinuturuan ang isang batang lalaki sa pagbabasa at pagsusulat.



Ang nasabing security guard na ito, ay nagdu-duty sa Palawan Pawnshop, malapit sa Arellano University na kung saan ay halos napakaraming tao ang madalas na makikita sa nasabing lugar tulad ng mga vendors at mga taong grasa o kalye na naglalakad-lakad.



Si John Robert Flores, ang netizens na kumuha at nagbahagi ng larawan na ito online. Ayon sa kanya, ay madalas niyang nakikita ang ilang mga kabataan kasama ang security guard, ngunit ng mga oras na kinunan niya ito ay isang bata lamang ang naroon at ito nga ang batang tinuturuan ng security guard sa larawan.



Hindi nga naman madali ang trabaho ng isang security guard, dahil sa ang trabahong ito ay mainit, nakakabagot at maari pang malagay sa panganib ang iyong buhay. Ngunit para sa security guard na ito, mas naging mahalaga ang kanyang trabaho dahil sa tuwing hindi naman siya ganun kabusy ay nagagwa niyang makatulong sa mga batang kalye.

Talaga namang napabilib ng security guard na ito ang netizens na si John Robert Flores, kaya maliban pa nga sa pagbabahagi ng larawan nito ay ibinahagi din niya kung gaano niya na-appreciates ang ginagawa ni manong guard na pagtulong sa pamamagitan ng pagtuturo magsulat at magbasa sa mga batang kalye.

Patunay nga lamang ito na hindi kailangang may sinabi ka sa buhay upang ikaw ay makatulong sa iba, dahil tulad ng ginawa ni Manong guard sa simpleng pagtuturo ng pagbabasa at pagsusulat sa mga batang kalye ay isang malaking ambag na rin ito sa mga buhay ng mga batang ito na maari pang maging daan upang magkaroon sila ng magandang kinabukasan.
Salute to you manong Guard!



Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento