Ad Code

Dalagang mahilig sa Softdrinks at Tsitsirya, Nakuhaan ng malalaking Kidney Stones!


Hindi lubos aakalain ng isang dalaga na hahantong sa ganitong tagpo ang pagsasawalang bahala niya sa kanyang sariling kalusugan


Matapos kasi ito magkaroon ng ilang mga kumplekasyon sa kanyang katawan, at pananakit narin ng kanyang tagiliran


Kwento ng dalagang si Cielo “Since high school, mahilig na akong uminom ng softdrinks."

Ang Softdrinks narin umano ang kanyang pinaka tubig sa halos araw-araw na kanyang pag-iinom mula umaga hanggang gabi


"Pag umiinom ako ng softdrinks, sinasabayan ko pa ng tsitsirya, maaalat na pagkain, mga noodles."


"Nagulat na lang ako nung nakita ko 'yung resulta nung nagpa-check up ako."
Lumipas ang ilang mga taon ay nakaramdam ang dalaga ng pananakit ng kanyang katawan at ilang araw naring masama ang kanyang pakiramdam kung kaya't dito na siya komunsulta sa duktor upang matignan ang kanyang kalagayan

"Sobrang nanlumo ako, ang laki na pala ng kidney stones ko."


"Sa pagkain ng masarap, hindi ko akalain na magkakaroon ako ng malaking bato sa kidney."


Inabisuhan sya ng duktor na kung maari ay agapan niya ito at kinakailangan maagapan ng pag pa-paopera kung hindi ito maagapan ng maaga ay maari nya itong ikapahamak


Kung kaya't agad napag desisyunan ng pamilya ng dalaga na mapa-operahan na agad ito upang matanggal na ang kanyang mga kidney stone na nakabara.


Sa kasalukuyan ay nagpapagaling na ang dalaga at naging aral narin sa kanya ang pag-iinom ng Softdrinks at pagkain ng Titsirya ay nakakasama lalo't kung ito'y sobra-sobra

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento